TRAINING PARA MAKAPAGTRABAHO IKINASA SA EASTERN SAMAR

UPANG madagdagan ang mga may hanapbuhay, patuloy na inaalok ng Technical Education and Skilled Development Authority (TESDA) ang mga libreng pagsasanay.

Kabilang sa inalok ni TESDA-Balangiga National Agricultural School (BNAS) Vocational School ang matutunan ang pagiging karpintero, tubero at iba pa.

Pinangunahan  ni BNAS Vocational School Administrator II Maria Nenelyn D. Abanador ang  Training Induction Program para sa

  • Carpentry NC II;
  • Grains Production NC II;
  • Plumbing NC II; and
  • PV Systems Installation NC II.

Isinagawa ang Training Induction Program,sa mismong paaralan na naglalayung makalikha ng dagdag na trabaho at magpapataas ng employment rate sa bansa.

Kumpiyansa si Abanador na ang mga makakakumpleto ng pagsasanay ay makakapaghanapbuhay hindi lang sa local employment kundi sa abroad.

Under the leadership of Administrator Abanador, the program aims to not only provide technical training but also instill professionalism, discipline, and a strong work ethic among the trainees,” pahayag ng BNAS.

Sa kasagsagan ng  induction program, idiniin ni Abanador ang kahalagahan hands-on training, theoretical knowledge, at safety protocols sa iba’t ibang laranga.

Inaasahan makakamit ng mga  trainee ang mga makabagong  inaasahang industry practices, tools, at techniques sa pamamagitan ng  interactive sessions.

EUNICE CELARIO