TRAINING PROGRAM SA MGA MANGGAGAWA HINILING NA PAIGTINGIN NG DTI AT TESDA

NANAWAGAN  si Senador Jinggoy Estrada sa Department of Trade and Industry (DTI), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at iba pang ahensiya ng gobyerno na paigtingin ang mga training program sa reskilling at upskilling ng mga manggagawa sa bansa.

Sinabi ito ng senador upang magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga manggagawa sa umuusbong na mga bagong industriya.

Nararapat aniyang gawin ito sa mga magta-trabaho sa unang pagkakataon.

Reaksyon ito ng senador sa inilabas na ulat ng Commission on Human Rights (CHR) na nahihirapang maghanap ng trabaho ang mga graduates kasabay ng COVID 19 pandemic.

Nakikita rin umano ang pangangailan para sa mga reporma, hindi lang sa sistemang pang-edukasyon sa bansa, kundi maging sa human resource development strategy.

Dahil dito itinutulak niya ang inihaing pagkakaroon ng Apprenticeship Training Law sa pamamagitan ng Senate Bill 1083 upang maitaguyod ang skills acquisition at youth employment.

Layuning makatulong ng apprenticeship programs para maranasan ng mga bagong manggagawa ang tunay na sitwasyon sa trabaho.

Magreresulta ito sa pagkatuto nila ng technical skills, practical knowledge, at iba pa.