TRAK VS.JEEP,20SUGATAN

aksidente

MAYNILA – MISTULANG eksena sa pelikula ang naganap na salpukan ng isang 40 footer trailer truck at isang pampasaherong jeep kung saan 20 pasahero kabilang ang isang buntis ang sugatan sa Ermita, Manila.

Pawang isinugod sa Ospital ng Maynila at Philippine Ge­neral Hospital ang mga pasahero ng jeep kasama ang isang buntis na si Monalissa Romero, at ang driver ng jeep (BAP 282) na si Arnulfo Metante, 43, ng #15 Lourdes St., FB Harrison, Pasay City matapos magtamo ng sugat sa paa.

Hawak naman ng Manila Traffic Bureau ang driver ng trailer truck ( RNV 776) na si Moises Pa­ngilinan, 44, nakatira sa Abung San Juan, Batangas.

Ayon kay P/Staff Srgt. John Mark Estrada, imbestigador ng Manila Police District (MPD) Traffic Unit, dakong alas-12:28 nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Padre Burgos Avenue, Ermita, kung saan dalawa sa mga pasahero ang malubha ang kalagayan.

Sa panayam naman kay Gng. Jose Malinao, 56, at empleyado ng DOLE, galing ang sinasakyan nilang jeep na byaheng Mabini Pasay- Pier 15 South sa kanto ng Kalaw St. at pagsapit umano sa intersection ng Gen. Luna St., at Padre Burgos Avenue ay naka-go ang jeep habang ang trak ay nagpatuloy sa takbo dahilan para sila ay masalpok. “Naka go na kami tas ‘yung trak nagtuloy-tuloy pa kaya nasalpok kami.

Ayon kay Estrada, kitang-kita na ang trak driver ang may kasalanan sa aksidente dahil nasa tama ang posisyon ng pampasaherong jeep batay na rin sa pahayag ng mga pasahero. PAUL ROLDAN

Comments are closed.