DAVAO DEL SUR – PATAY ang tatlong menor nang sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo na minamaneho ng isang 15-anyos lamang sa traktora (farm tractor).
Ayon sa Digos City Police Office, patay ang tatlong teenager habang nagpapagamot naman sa Davao Del Sur provincial Hospital ang 15 taong gulang na driver ng motrsiklo matapos nang nangyaring pagbangga.
Ayon kay Digos police director, Supt. Deozar Almasa, sakay ng motorsiklo na walang plaka ang tatlong biktima nang sumalpok sila sa kanang bahagi ng traktora sa kanto ng Digos Diversion Road at San Jose Dawis Road.
Sa inisyal na ulat ay kinilala ang dalawa sa mga nasawi na sina Justine Gallarde, 16-anyos, at Ronnie Balasbas.
Matapos ang insidente agad na tumalilis ang driver ng traktora pero mayroong testigo na nakakuha ng plaka ng sasakyan. VERLIN RUIZ
Comments are closed.