ISINUSULONG sa Kamara de Representantes ang paperless transactions para iwas sa gastos.
Ayon kay Senior Deputy Majority Leader at Cavite Representative Crispin “Boying” Remulla, nararapat lang na gawing digital ang transaksiyon dahil sa malaking gastos dito.
Umaabot sa P9 milyon kada taon ang ginagastos ng Kamara sa papel pa lamang.
Sinasabing kapalit ng papel ay isinusulong din na mabigyan ng computer tablets ang 300 mambabatas sa Kamara kung saan nagkakahalaga ito ng P6 milyon.
Pinuri naman ng environmental group ang pagsusulong ng paperless transaction.
“We welcome the chamber’s planned switch to paperless transactions as this will surely cut the costs for procuring paper and for the printing of voluminous legislative documents such as bills that do not necessarily become a law. This will reduce long-term resource use and associated costs and bring greater transparency to the lawmaking process,” pahayag ni Jovito Benosa, Zero Waste Campaigner, EcoWaste Coalition.
“A paperless Congress should improve legislative efficiency, while cutting the expenses not only for bond papers, but also for folders, inks, toners and other supplies. The savings can be used instead for meaningful programs to meet our people’s basic needs,” dagdag ni Sonia Mendoza, Chairman, Mother Earth Foundation.
Comments are closed.