TRANSAKSIYON SA BIR ONLINE MUNA

Erick Balane Finance Insider

PINAYUHAN ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Caesar ‘Billy’ Dulay ang taxpaying public at tax practitioners na pansamantalang gumamit ng ‘online service’ sa kanilang mga transaction sa BIR habang patuloy sa pagtaas ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19.

Ito ay para maiwasan ang pagkalat ng sakit matapos ang sunod-sunod na lockdowns sa mga opisina nito sa Mertro Manila at mga karatig- probinsya.

Ang paglobo ng bilang ng mga opisyal at kawani ng BIR na nagpositibo sa COVID-19 mula pa noong nakaraang linggo, ayon sa asource, ay nagpapatuloy kaya mayroon pa ring mga opisina ng Kawanihan na absent ang mga opisyal o kawani na siyang dahilan sa mabagal na pagtugon sa mga queries at pag-aasikaso sa mga dumaragsang taxpayers.

Gayunman, nilinaw ni Qiezon City BIR Regional Director Albin Galanza na pansamantala lamang ang ganitong sitwasyon na ang layunin ay ma-protreksiyunan nang husto ang publiko.

Kumpiyansa naman si Director Galanza na kanilang matutugunan ang iniatang sa kanilang tax collection goal ngayong 2022 taxable year.

Sa  ‘statistical records’ mula sa Department of Finance (DOF), overall topnochers sa pagtatapos ng fiscal year 2021 sina Revenue District Officers Rufo Ranario (East Makati City) na nag-increase ang tax goal ng mula 47% sa 57%; Federico Pilarca (North Makati City), 20%; Rodel Buenaobra (Novaliches),  30% sa 40%; Arnulfo Galapia (North QC), 30% sa 45%; Antonino Ilagan (South QC), 25% sa 35%; Deogracias Villar, Jr. (Pasig City) 35% sa 47%; Antonio Mangubat, Jr. (East Bulacan) 40% sa 47%; Emilia Combes (Tondo-Sanicolas), 30% sa 40R% at Teresita Lumayag (Binondo) 35% sa 40%.

vvv

Isang ‘schocking story’ ang nakarating kay Commissioner Dulay kamakailan.

Natagpuang patay sa kanyang mismong tanggapan si RDO Arlan Lamasoc Davis, 45, married, tubong Allapang, La Trinidad, Benguet.

Nangyari ito nitong Jaunary 13, ayon sa natanggap na tawag sa telepono ng pulisya mula sa isang Fernando Bahatan, empleyado ng BIR na nakatalaga sa BIR Lagawe branch sa Benguet.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang RDO ay nag-time in ng alas-6:40 ng umaga, hindi ito nakitang lumabas sa kuwarto ng lunch time at hanggang mag-uwian ay hindi na lumabas ng kanyang opisina.

Ang biktima ay nagtamo ng tama ng bala sa ulo. Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng pulisya ang krimen.

Isa pang RDO na nakatalaga naman sa Tacurong City, Sultan Kudarat ang umano’y nakatanggap ng death threat sa hindi malamang dahilan at agad humingi ng saklolo kay Commissioner Dulay upang pansamantalang i-relieve sa puwesto para sa kanyang proteksiyon.

Ang RDO, ayon sa source, ay nakatalaga sa District 109, Tacurong City. Ang banta sa buhay ng RDO ay hindi agad nalaman kung mula sa tawag sa telepono, by text, messenger, email o sulat.

vvv

Under fire ang isang RDO matapos bumagsak ang tax collections nito sa hindi maipaliwanag na dahilan. Inirerekomndang palitan ito sa puwesto para mapaganda ang tax colections ng nasabing distrito.

Hindi agad nakunan ng  panig ang naturang RDO sa isyung ito.

Ang desiyon para pansamantalang i-relieve sa puwesto ang RDO na may banta sa kanyang buhay, at ang pagbagsak o masamang tax collection performance ng isa pang RDO ng General Santos City ay nakasalalay sa kapasiyahan ni Commissioner Dulay

vvv

Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa  09266481092 o mag- email sa [email protected].