IPINADEDEKLARANG walang bisa ni House Committee on Housing and Urban Development Chairman Alfredo Benitez sa National Housing Authority ang libo-libong “transfer of housing units” at lupa na ibinenta ng original beneficiaries ng government socialized housing programs.
Sa House Resolution 1906 na inihain ni Benitez, layunin nito na wakasan na ang “boom and bust situation” sa mga housing project ng pamahalaan na dulot ng mga tinatawag na professional squatter.
Iginiit nito na dapat matuto na ang NHA sa mga nakalipas na panahon kung saan ibinebenta ng beneficiaries ang kanilang mga housing unit.
Ayon sa mambabatas, dapat na magsagawa ng malalimang imbestigasyon ang NHA upang mabatid kung anong mga housing unit ang naibenta na o kaya ay pinarentahan ng orihinal na benipisyaryo.
Itinuturong dahilan ni Benitez ang ganitong practice ng beneficiaries na nagiging sanhi kaya’t hindi nagtatagumpay ang government’s housing program.
Sa ilalim ng Republic Act no. 7279 o ang Urban Development and Housing Act, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta o pagpaparenta sa mga socialized housing unit ng gobyerno. CONDE BATAC
Comments are closed.