TRANSFORMATION NI REGINE TOLENTINO FROM PREGGY TO SEXY BODY ULIT

REGINE TOLENTINO

IPINAKITA ni Regine Tolentino  ang kanyang transformation mula sa pagiging buntis at matapos makapanganak.

Sa kanyang Instagram, nag-post  si Regine ng mga larawan at video nito kalong ang bunsong si Baby Rosie na ngayon ay 6 na buwang gulang na.

Isinilang ni Regine ang bunso nito via caesarian section sa gitna ng  coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Tinawag ng 41-anyos na aktres, si Baby Rosie  na isang miracle baby.

Lumabas aniya ito sa mundo na may sakit na pneumonia at mabuti na lamang ay mabili ang paggaling ng sanggol.

“The Epic Journey of Motherhood: 6 months before and 6 months after childbirth. All mothers face the same challenges physically and mentally. But the experience is so rewarding. That is the miracle of life,” pahayag nito sa Instagram post.

Comments are closed.