TRANSITION COMMITTEE NG SANGAY NG EHEKUTIBO HANDA NA SA BAGOMG ADMIN

NAKAHANDA na rin ang Transition Committee ng bawat departamento na nasa ilalim ng sangay ng  Ehekutibo para isalin ang poder ng pamamahala sa papalit na administrasyon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Martin Andanar na maliban sa Presidential Transition Committee na pinamumunuan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, mayroon ding transition committee ang bawat departamento na nasa ilalim ng Executive department.

Ayon kay Andanar, hinihintay na lamang ng Malakanyang ang proclamation sa nanalong bagong Presidente at bagong miyembro ng gabinete upang mapasimulan ang pagsasalin ng pamamahala sa gobyerno.

Inihayag ni Andanar lahat ng cabinet officials ay co-terminous kay Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa pagtatapos ng termino sa tanghali ng Hunyo 30 ng taong kasalukuyan. BETH C