TRANSLASYON NG ITIM NA NAZARENO

SUMAMA sa mga debotong Katolikong nagtitipon sa Simbahan ng Quiapo para sa Fiesta ng Itim na Nazareno. May maling paniniwalang ang January 9 ang araw ng pagdiriwang ng Itim na Nazareno, dahil ito ang panahong ang iconic statue ay nakakakuha ng higit na exposure. Biyernes Santo ang Feast of the Black Nazarene. Translacion ang naganap noong January 9, kung saan ipinagdiriwang ang paglilipat ng statue ng Black Nazarene mula sa Intramuros patungong Quiapo. Ito ang dahilan kung bakit nalilito ang mga tao. Ang Traslacion ay makulay, magulo at masayang pagdiriwang.

Nagbabago ang ruta ng Translacion taon-taon dahil sa mga aksidente, at structural deficiencies sa mga tulay na bahagi ng traditional route.

Unang dumating sa Pilipinas ang Black Nazarene mula sa Mexico noong 1606. Inilipat lamang ito sa simbahan ng Quiapo noong 1787.

Nakapatong ang statue sa karawaheng kung tawagin ay andas at mayroon itong dalawang matatabang lubid na hinihila ng mga deboro. Milyon-mil­yong deboto at mananampalataya ang bumabaha sa mga kalsada ng Maynila na naglalayong makalapit sa Black Nazarene upang mahawakan man lamang ang istatwa o maipahid man lamang ang kanilang panyo o tuwalya sa anumang nahagi ng imahe. — NV