TRANSMISSIBILITY NG KAPPA VARIANT BINABANTAYAN NG DOH

BINABANTAYAN  ngayon ng Department of Health ang transmissibility ng delta sublineage kung saan kilala bilang Kappa variant.

Ayon sa DOH, naitala ang unang kaso ng Covid-19 B.1.617.1 variant noong Nobyembre 8 sa Floridablanca, Pampanga.

Sinabi naman ni Health Undersecretary Leopoldo Vega na patuloy nilang minomonitor ang nasabing variant kung gaano ito mas makakahawa sa tao.

Noong Sepyembre 20, nasa 3, 027 na ang naitalang kaso ng Delta variant sa Pilipinas.

Nagbabala naman ang OCTA Research Group na maaaring magkaroon ng re-surge ng Delta variant kung hindi maibibigay ang booster shot sa mga indibidwal.

Samantala, muling pinaalalahanan naman ng Health Department ang publiko na huwag maging kampante dahil may mga kaso pa rin ng nakakahawang Delta variant sa bansa.