TRANSPORT LEADER NILIKIDA

DAVAO DEL SUR-DEAD on the spot ang chairman ng isang transport cooperative matapos na barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Digos City sa lalawigang ito kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Digos City Police Office, patay sa pamamaril ang transport lider na si Ronald Sabandal, chairman ng Digos Padada Transport Cooperative.

Si Sabandal ay binaril ng hindi pa nakikilalang salarin nitong Miyerkules ng gabi habang naglalakad pauwi ng kanilang bahay.

Ayon sa Digos police, huling namataan ang biktima na naglalakad sa highway sa Barangay Aplaya galing sa pinagtatrabahuhan nitong terminal.

Sa salaysay ng ilang residente,isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa kanilang lugar at ang sumunod na pangyayari ay nakita na lang duguan at wala nang buhay ang biktima.

Patuloy na inaalam pa ng mga imbestigador ang motibo sa pamamaril at kung may kinalaman ba ito sa trabaho ng biktima sa terminal habang pilit na tinutukoy ang kakikilanlan ng salarin . VERLIN RUIZ