IPINAGWALANG-BAHALA ni Transport Secretary Jaime Bautista ang panibagong protesta ng mga transport group na tumututol sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.
Ayon kay Bautista, karamihan sa PUV operators at drivers ay sumusuporta na sa programa.
“Parang nasanay na tayo rito sa threat ng Manibela. ‘Yong mga previous strikes nila, hindi na masyadong nakaapekto sa mga mananakay. That only means ‘yong PUVMP is working,” ani Bautista.
Nagbabala ang kalihim na sisimulan na ng DOTr ang panghuhuli sa mga operator na walang prangkisa. Ang prangkisa ng mga operator
na nabigong mag-consolidate matapos ang deadline ng programa ay itinuturing na ring walang bisa.
“Magsisimula na rin kaming mag-trackdown ng mga walang franchise. Mga nag-expire ang mga franchise.
Karamihan dito mga lumang sasakyan eh,” sabi ni Baustista.