SIMULA ngayong Agosto 19 ay balik serbisyo na ang public transportation services kasabay ng pagbabalik na sa general community quarantine ng Metro Manila at ang ilan pang karatig-lalawigan matapos isailalim sa 14 araw na mas mahigpit na lockdown.
Naglabas ang DOTr ng mga listahan ng mga public transportation units na handa nang magbalik operations,. bukod ito sa mga bagong ruta na binuksan na rin:
Ang MRT-3 line ay nakatakdang mag- deploy ng 16 Czech-built CKD train sets at 2 China-built Dalian train araw araw.
Ang LRT-1 ay may kakayahan na mag dispatch ng 24 train sets para sa morning and afternoon peak hours habang 18 train sets naman sa mga off-peak hours
Hbang limang train sets naman ang patatakbuhin ng LRT-2
Sampung train sets naman ang patatakbuhin ng Philippine National Railways habang may 716 modern jeepneys ang bibiyahe sa may 45 ruta.
Pinayagan na ring makabiyahe ang may 12,442 traditional jeepneys sa 126 routes na binuksan para sa kanilang hanay.
Sa hanay ng UV EXPRESS ay may 1,621 units ang pinayagang makabiyahe sa itinakdang 51 routes simula ngayong araw na ito.
Tinatayang aabot naman sa 3,662 buses ang magseserbisyo sa mga Metro Manila commuter na pinayagang maka biyahe sa may 31 approved routes.
Sinasabing aabot sa 364 units point-to-point buses, 20,493 taxis at 23,7776 ride-hailing units ang maglalakbay sa Metro Manila kaya asahan na rin ang balik trapik sa mga pangunahing lansangan
“With the reopening of public transportation services during the GCQ, the DOTr reminds passengers that strict health and safety protocols will be enforced to help curb the spread of COVID-19,” ani Sec. Art Tuagade.
Mahigpit naman paalala ng DOTr sa ‘no face mask’ and ‘no face shield” policy na mandarory na ipatutupad sa lahat ng uri ng public transport.
Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagsasalita, pakikipag-usap at paggamit ng cellphones at iba pang mga gadget at communication devices habang nakasakay sa mga public transport.
Kasama sa mga bibiyahe ang mga karagdagang ruta ng UV Express na SM Bicutan – Ayala Center Almanza – Ayala Center via SLEX/Skyway, Sucat – Quiapo. Marikina Heights – Ayala.
Para sa mga traditional PUJ ay Bagong Silang – Novaliches via Susana, Polo – Sangandaan via Tenejeros EDSA/North Ave. – Project 6. Novaliches – Shelterville via Camarin Road, Jordan Plains – Sapang Palay, Commonwealth Market – Q. Plaza via Marikina, Balara – Tumana
T223 Cubao (Arayat) – V. Luna via Ybardolaza, Pasig – Ugong via Rodriguez, Pateros – Market Market FTI – Kayamaan C. AFP/PNP Housing – Guadalupe via Bayani Rd., Project 2&3 – TM Kalaw to Remedios Street via E. Rodriguez Avenue, Angono – Pasig. Bagong Nayon II – Marikina Binangonan – Pasig, Del Monte – Quezon Ave. via Banawe, San Miguel – SM Manila. Frisco – Vito Cruz via Sta. Cruz, Mabini
Narito naman ang listahan ng mga karagdagang ruta ng PUJ na papayagan simula ika-20 ng Agosto 2020: Capitol Park Homes II – SM Fairview. Amparo – Novaliches via Santana. Bigte, Norzagaray, Bulacan – Novaliches. Novaliches – Palmera, San Jose del Monte, Novaliches – Sapang Palay, EDSA/North Ave – T. Sora via Mindanao Ave., Balintawak – Marcos Ave./T. Sora, EDSA/Pioneer – Pateros via Pasig, Antipolo – Marikina, Guadalupe (ABC) – Brgy. Buting E. Rembo via Kalayaan, Del Pan – Guadalupe (Ibabaw), Nagtahan Rotonda – Panda can, Guadalupe Market – L. Guinto via P. Gil. EDSA/West Ave. – Panay Ave. Bangkusay – Divisoria, Blumentritt – Delos Reyes/P. Campa via Dimasalang, Del Monte – Kanlaon via Mayon, San Andres Mkt – Sta. Ana via P. Faura/P. Gil, San Miguel – Ikot, Blumentritt – Retiro
T365 AFP/PNP Housing Guadalupe via MRT, Divisoria – Don Bosco via Moriones, Arroceros – Project 8 via Espana, Guadalupe (ABC) Pateros via JP Rizal, Baclaran – NAIA/Baltao, Alabang – Signal Village via SSH
Maari na ring bumiyahe ang mga ruta ng traditional PUJs na naisaaad sa MC 2020-029A na inilabas noong July 31, 2020: Malabon – Monumento via Acacia, Cielito- Novaliches via Zabarte, Novaliches – Deparo via Susan, SM Fairview – Lagro Subd. Loop, Meycauayan, Bulacan – Bignay, Pantranco – Project 8 via Roosevelt, Forbes Park – Pasay Rd. via Ayala Commercial Center, Pasig – Taguig via Maestrang Pinang, Tipas, Marikina – Paenaan, Katipunan – Marcos Ave/Tandang Sora, Cabrera – Libertad, Arroceros – Cubao via España. Quiapo (Barbossa) – Santol, Sta. Mesa, Dagat-dagatan – Delpan via Divisoria, Quiapo – San Miguel via Palanca. VERLIN RUIZ
Comments are closed.