Nakabubugnot at nakaiinip…
ang maipit sa buhol-buhol at mabigat na trapik.
Walang magawa at Ulo ay nag-iinit
Napapatiim na lamang ng Bagang sa inis.
Gayunman sadyang kailangan ang pagtitiis…
Pasasaan ba makararating din sa pakay kahit na huli o ‘late’…
Sakripisyo ay may masasapit
Bagong Imprastraktura
Masa ang silang Gagamit.
MRT 7 at Subway Constructions,
Kasabay ng mga bagong flyover at interchange connections.
Ang mga malalayong lugar,
kaydali nang puntahan ngayon.
Kaya nga kapag ang Gobyerno
Tunay na nagsilbi sa Masa…
Madadama ng marami ang ginhawa..
Maliit man ang bansa kung ang mga imprastruktura ay sagana…
uusad ang progreso para sa Balana.
(Si Edwin Eusebio ay araw-araw na naririnig sa DWIZ 882 am Radio)
Comments are closed.