KINUMPIRMA ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic chief Col. Bong Nebrija ang pagpapatupad muli ng truck ban sa Lunes, ika-14 ng Disyembre.
Ang truck ban ay epektibo alas-6 hanggang alas-10 ng umaga, at alas-5 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi, Lunes hanggang Sabado.
Subalit total truck ban pa rin aniya ang iiral sa kahabaan ng EDSA.
‘Yung truck ban will be implemented from 6a.m. to 10a.m. and then from 5p.m. to 10p.m. This will be everyday, except Sundays and holidays. Ang EDSA, paalala ko lang sa mga truckers natin, will remain a total truck ban, but will cover the area of Fourth Avenue up to Magallanes, wala pong truck dya’n,” ani Nebrija.
Sinabi sa DWIZ ni Nebrija na nagpapasaklolo na ang local government units dahil sa matinding trapiko na ang idinudulot ng suspensiyon ng truck ban na una nang ikinasa sa kasagsagan ng lockdown.
“Pinagbigyan na natin to improve transport of essential goods. Napakahalaga during the pandemic. However, I think we have given them enough time already to do that and to recover. Nagkakaroon na tayo ng plano from the local governments to bring it back dahil ‘yung traffic sa main road ay nag-ooverflow na sa mga inner roads sa mga local governments natin,” ani Nebrija sa panayam ng Santos-Lima sa DWIZ882.
Comments are closed.