INIHAYAG ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na bahagyang giginhawa ang trapiko sa Metro Manila dahil sa nalalapit na pagbubukas ng mga kalsada at highway.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, ang pagginhawa ng trapiko sa Metro Manila ay bunsod ng Build Build project ng gobyerno bilang long term solution para sa traffic reduction ng Metro Manila.
Sa pahayag ni Garcia, bubuksan na ang Laguna Lake Highway bilang magiging alternatibong ruta ng mga motoristang matatrapik sa EDSA at C-5 Road kapag magtutungo sila ng Eastern part tulad ng papuntang Taytay, Antipolo at Binangonan, Rizal.
Malaking tulong ang Laguna Lake Highway sa tiyak na pagtaas ng volume ng behikulo sa EDSA at C-5 Road sa Kapaskuhan.
Sa buwan ng Disyembre ay posibleng buksan na rin sa mga motorista ang Harbor link Smart connect ng C3.
Gayundin sa Disyembre 15 ay posibleng maging passable na rin sa mga motorista ang Otis Bridge sa Maynila at anumang oras ay bubuksan na rin ang completion ng C5 Extension Coastal Road, Bacoor, Cavite. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.