TRAPIKO SA EDSA LULUWAG

EDSA-7

ASAHAN nang luluwag ang daloy ng trapiko sa bahagi ng EDSA at posibleng kayanin nang bumiyahe mula Makati hanggang Cubao ng limang minuto sa susunod na dalawang linggo.

Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Mark Villar, ito’y dahil bubuksan na nila ang Metro Manila Skyway Stage 3 Plaza Dilao ramp na target nilang matapos ngayong Hulyo.

“Construction of Skyway Stage 3 is in full blast. We are working 24/7 to deliver the infrastructure this July,” wika ni Villar.

Sa isinagawang inspeksiyon, sinabi ni Villar na ang proyekto, na magkokonekta sa NLEX at SLEX, ay matatapos sa loob ng taon.

“Section 1 from Buendia Avenue in Makati City to Quirino Avenue in Nagtahan, Manila is now 83 per-cent completed, while Section 3 from Ramon Magsaysay Avenue to Balintawak is 81 percent complet-ed,” ani Villar.

Aniya, ang iba pang bahagi ay minamadali na rin upang masiguro na ang mainline ng Skyway mula Buendia hanggang Balintawak ay makukumpleto sa target date sa first quarter ng 2020.

Ang Metro Manila Skyway Stage 3 ay isang 18.68-kilometer elevated expressway na magdurugtong sa Buendia, Makati City at Balintawak, ­Quezon City.

Ang proyekto na magkakaroon ng walong access ramps/interchanges at  matatagpuan sa Buendia ­Avenue, (South Super Highway, Makati City), Pres. Quirino Avenue (Malate, Manila), Plaza Dilao (Pa-co, Manila), Nagtahan/Aurora Boulevard (Manila), E. Rodriguez Avenue (Quezon City), Quezon Ave-nue (Quezon City), Sgt. Rivera St. ­(Quezon City) at NLEX,  ay magpapaikli sa travel time mula  Buendia hanggang Balintawak sa 15 hanggang 20 minuto lamang mula sa kasalukuyang dalawang oras. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.