SINTINDI na ng nararanasang trapiko sa “ber” months ang nararanasang daloy ng trapiko sa EDSA sa kasalukuyan.
Ito ay batay sa bilis ng takbo ng mga sasakyan, ayon sa pag-aaral ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Lumabas sa pag-aaral na ang average na bilis ng sasakyang tumatakbo sa EDSA noong Hulyo ay 19.30 kilometro kada oras (kph), malayo sa itina-kdang speed limit sa EDSA na 60 kph.
Karaniwang bilis naman sa EDSA tuwing “ber” months ang 19.54 kph.
Sa datos ng MMDA, lumabas na 10,000 sasakyan ang dumadagdag sa mga dumadaan sa EDSA sa kada buwan.
Sa mahigit 10 milyon rehistradong sasakyan sa Filipinas, lumabas na isa sa bawat 4 ay rehistrado sa National Capital Region.
Ang maximum carrying capacity ng EDSA o bigat na kaya ng kalsada sa bawat oras at bawat direksiyon ay nasa 6,000 sasakyan.
Isa ang EDSA sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila na tumatagos sa mga lungsod ng Caloocan, Quezon, San Juan, Mandaluyong, Makati, at Pasay.
Kasalukuyang 6,800 sasakyan ang bumabaybay sa EDSA sa kada oras at kada direksiyon.
Idinepensa naman ng MMDA na kulang ang kanilang enforcers pero patuloy nilang pinalalakas ang mga patakaran na mayroon sila gaya ng yellow lane, motorcycle lane, total truck ban, number coding scheme, mabuhay lanes, at kolorum.
Samantala,muling magsasagawa ng dry run ang MMDA kaugnay sa provincial bus ban sa EDSA.
Sinabi ni MMDA EDSA Traffic Head Bong Nebrija na kapag na lift o binawi na ng korte ang TRO ay itutuloy ang dry run.
Sa ilalim ng panukalang bus ban, ang lalabag ay papatawan ng 5,000 pisong multa para sa bus operators at 1,000 piso sa driver.
Nagpatupad ng TRO ang Quezon City RTC para sa nasabing bus ban matapos mag-petisyon ang mga bus operator.
Subalit sinabi ng MMDA na iaapela nila ang pasya ng korte. DWIZ882
Comments are closed.