MAYNILA – NAGDULOT ng mabigat na trapiko sa SLEX Mamplasan Exit northbound nang sumiklab ang grassfire sa bahagi ng nasabing highway kahapon.
Ayon kay FO1 Jessica Baracinas ng Biñan City Fire Station, alas-3:30 naiulat ang grassfire. Naapula ito alas-4:31 ng hapon.
Wala namang nasugatan sa insidente habang patuloy ang imbestigasyon sa pinagmulan nito.
Ayon sa SLEX Command Center, nagdulot ng halos 6 kilometrong haba ng traffic sa SLEX northbound mula Mamplasan hanggang Eton Exit ang grassfire.
Mabagal din ang usad ng mga sasakyan sa southbound lane ng expressway. Patuloy umano nilang gina-gabayan ang mga motorista sa SLEX. ROSE LARA
Comments are closed.