PORMAL na lumagda ang Pasig River Rehabilitation Council (PRRC) at ang ‘homegrown blockchain technology company’ na Cypher Odin Inc. sa isang Memorandum of Understanding (MoU), na may kaugnayan sa pagkakaloob ng libreng serbisyo ng huli para sa pagpapatupad ng pangunahing responsibilidad na paglilinis at muling pagbuhay sa Pasig River.
Sa isinagawang MoU signing ceremony, sina Executive Director Jose Antonio E. Goitia, Deputy Executive Director for Operations Anshari C. Lomodag Jr., Deputy Executive Director for Finance and Administration Jimbo M. Mallari at Chief of Staff Gilbert G. Lozada ang kumatawan para sa PRRC.
Habang sa panig ng CypherOdin Inc. ay pinamunuan ito ng kilalang entrepreneur-environmentalist na si Mr. Mariano Jose Diaz Villafuerte IV, na siyang chief executive officer (CEO) ng kompanya; Director for Environmental Innovations Mr. Alfredo Lorenzo Roa at Marketing Consultant, Ms. Sanya Smith.
Sa kanyang mensahe, nagpaabot ng lubos na pasasalamat si PRRC Executive Director Goitia sa CypherOdin sa pakikiisa nito sa pagganap ng kanilang misyon at pagkakaloob ng libreng tulong para linisin ang 27-kilometer long na Pasig River at mapanumbalik ang dati nitong ganda gamit ang maka-bagong teknolohiya.
“With your Smart River Initiative, we hope we will be able to protect the Pasig River, and to take appropriate actions base on accurate, real time-data driven decision. Plus, this is the first time this will happen in the Philippines – this partnership will be remembered in the history as a breakthrough. We cannot express how much our environmental scientists and engineers here and researchers will be thrilled with the Smart River Initiative,” sabi pa ni Goitia.
Dagdag ng PRRC executive director, ang paglagda nila sa naturang kasunduan ay nagpapalakas sa kanilang adhikain na magkaroon ng sarili nilang ‘public-private-partnership’ at umaasa siyang marami pang pribadong kompanya na maging bahagi ng ‘social responsibility’ nito ang paglilinis at pangangalaga sa iba’t ibang ‘waterways’ ng bansa.
Bilang tugon, sinabi ni CypherOdin CEO Villafuerte na marapat lamang na magkapit-bisig ang lahat ng sektor sa pagbuhay sa Pasig River lalo’t itinuturing ito bilang mahalagang bahagi ng sentro ng Filipinas.
“I think it is a success story in good governance that by working with the private sector and going to get all the stakeholders all in one group, to really recover this river. I think that’s great and also finally, recovering the former glory of the Pasig River as the center piece of our country’s capital,” ani Villafuerte.
Isa sa nais na maipatupad ng CypherOdin ay ang paglalagay ng makabagong kagamitan sa ilog Pasig upang i-monitor ang takbo at pinanggagalingan ng mga basura sa ilog. Gagamitin ang mga datos na makakalap upang makabuo ng konkretong plano sa pagsasabuhay ng ilog.
Bukod dito, gagamit din ng ‘blockchain technology’, Internet-of-Things (IOT), underwater Internet-of-Things, drone-mapping sa pamamagitan ng light detection and ranging (LIDAR) ang CypherOdin sa pagkolekta ng mga datos at matukoy ang ‘real time condition’ ng Pasig River gaya ng ‘water quality, turbidity, tide levels at bio composition’ nito.
Isa pang suhestiyon ni Villafuerte ay ang paglulunsad ng ‘BOTcoin crypto-cash’ kung saan bibigyan nila ng BOTcoin cryptocurrency ang mga residente at pabrika sa ilog Pasig kapalit ng pagtigil sa pagtapon ng mga basura sa ilalim ng kanilang ‘exchanging trash to cryptocash’ project.
“Staying through this high-tech nature of this project, we will also going to incorporate drone mapping and geospatial mapping so that we could really get a sense of what is going on in the river. So that we could really recover and really inspire Filipino people that we could all work together, along with the government, so that we can do something truly great.” pagbibigay-diin pa ni Villafuerte.
Comments are closed.