TRASLACION SA NAGA GENERALLY PEACEFUL

Traslacion

CAMARINES SUR- NAGING mapayapa ang traslacion sa Naga City at itinuring na isolated incident ang umano’y pagkasugat at pagkahimatay ng ilan sa mga dumalo sa nasabing okasyon.

Sinabi ni Fr. Loiue Occiano, Caceres Communications Commission ng Archdiocese of Caceres, ang nasabing insidente ay resulta ng ­ilang nagpasaway sa gitna ng prusisyon lalo na ang mga lasing na boyador.

Marami rin ang itinakbo sa ospital matapos mawalan ng malay at magtamo ng sugat sa katawan.

Ngunit sa kabila nito, ayon kay Occiano, hindi dapat tingnan ang pa­ngit na nangyari at mas ikagalak ang dumaming mga debotong sumama sa prusisyon.

Nagpasalamat naman ang nasabing pari sa lahat ng tumulong para maging tahimik at matagumpay ang nasabing aktibidad.

Una nang binago ang ruta ng prusisyon matapos ikordon ng mga tauhan ng Explosive Ordnance Division (EOD) at ng Naga City Police Office (NCPO) ang kalsada sa kahabaan ng Peñafrancia Avenue sa harap ng isang hotel dahil sa nakaparadang abandonadong kulay pulang kotse sa lugar na inakalang may lamang kontrabando na kalauna’y nagnegatibo naman.    AIMEE ANOC

Comments are closed.