TRAVEL ADVISORY NG US AALISIN NA-MIAA

MIAA-2

UMAASA ang Manila International Airport Authority (MIAA) na sa sandaling matugunan na nila ang mga pagkukulang sa paliparan ay aalisin na ng Estados Unidos na kanilang travel advisory sa lalong madaling panahon.

Kaugnay ito sa inilabas na mga babala ng Department of Homeland Security sa Amerika na hindi naipapatupad ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang maayos na seguridad na angkop sa international standard.

Sa pagsusuri ng Transportation Security Administration (TSA), kabilang sa mga pinuna ng mga ito ay ang  airport operation, quality at access control, aircraft security, passenger at cabin baggage security at iba pa.

Ayon naman kay MIAA General Manager Ed Monreal,  tinugunan at inaayos  na nang NAIA ang mga pagkukulang na tinukoy ng  TSA sa seguridad ng paliparan.

Kaya’t ani Monreal, simula nitong Enero hanggang Mayo ay aprubado na ito ng Transportation Security Administration na kung saan kabilang sa inilabas na dagdag sa seguridad na makikita sa NAIA sa mga darating na araw, ang mga electronic explosive trace detector at bagong X-ray machines na may kasamang dual view.

Gayundin, inaasahang darating ngayong taon ang mga security equipment na ilalagay sa mga terminal na mas  bago at modernong mga teknolohiya ang gagamitin para mas lalo mapabuti ang pag-che-check sa mga bagahe ng mga pasahero.

Dahil dito, naniniwala ang MIAA na aalisin na ng homeland security ng Amerika ang mga nakapaskil na traffic advisory sa loob ng dalawang linggo.

Comments are closed.