TRAVEL AGENCIES BALIK-OPS SA GCQ, MGCQ AREAS

TRAVEL AGENCY

PINAYAGAN na ng pamahalaan ang muling pagbubukas ng tourism at travel-related activities sa ilalim ng relaxed quarantine classifications.

Ipinalabas ng Department of Trade and Industry (DTI) noong October 14 ang Memorandum Circular No. 20-53 na nagtatakda ng recategorization ng travel agencies, tour operators, reservation service, at mga kaugnay na aktibidad mula Category IV sa Category III.

Nangangahulugan ito na ang naturang mga establisimiyento ay “pinapayagang muling magbukas sa 50% operational capacity para sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ (general community quarantine) at 100% capacity sa modified GCQ areas, ‘subject to minimum public health standards and protocols,.”

Ang hakbang ng DTI ay makaraang bigyan ng Department of Tourism (DOT) ng clearance ang ilang  hotels para sa ‘staycation’ kung saan target ng ahensiya na madagdagan pa ito sa gitna ng pandemya.

Noong nakaraang buwan ay pinayagan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang ‘staycations’ sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ.

Gayunman, sinabi ng DOT na ang negative COVID-19 antigen test ay kakailanganin pa rin bago ang check-in kahit lumitaw sa pilot run sa Baguio City na ang nasabing tests ay hindi tumutugon sa standards ng Department of Health (DOH).

Comments are closed.