TRAVEL ALERT ORDER SA MGA SUSPEK SA PAGPATAY SA FLIGHT ATTENDANTS

Menardo Guevarra

MAGPAPALABAS ng travel alert order ang Bureau of Immigration para mapigilan ang anumang pagtatangka sa pag-takas ang mga nakakalaya pang suspek sa panggagahasa at pagpatay sa 23-anyos na flight attendant  na si Christine Dacera.

Ito ang tiniyak ni Justice Secretary Menardo Guevarra kapag naisampa na sa piskalya ang mga kaso laban sa mga suspek.

Sinabi pa nito, kung kakailanganin ay maaaring tumulong ang NBI sa isinasagawang imbestigasyon kaugnay sa pagpatay kay Dacera.

Masusing iniimbestigahan na ng pulisya ang pagpatay  bagama’t itinuturing  na rin na ‘solved’ na ang kaso dahil nasa kustodiya na nila ang tatlo sa higit 10 mga suspek.

Si Dacera ay natagpuang  walang malay sa bath tub ng inupahan nitong kuwarto  sa Makati City noong Enero 1.

Pinaniniwalaan ng Makati City Police na may ‘foul play’ sa pagkamatay ni Dacera na sinasabing inabuso rin ng mga suspek.

Nakitaan ito ng mga sugat at pasa sa mga binti.

New Year’s eve nang tumawag pa ang biktima sa mga magulang nito at sinabing may year end get together sila ng kanyang mga kaibigan. BENJARDIE REYES

Comments are closed.