IMINUNGKAHI sa pagdinig na ginawa sa Kamara na alisin ang travel ban ng Filipinas sa Taiwan at sa halip ay mas dapat na ipatupad ang travel ban sa Singapore.
Sa joint hearing ng Committees on Tourism at Economic Affairs, inirekomenda ni Tourism Congress President Jojo Clemente na alisin ang travel ban at payagan na rin ang mga flight mula Taiwan papuntang Filipinas.
Malaki aniya ang naging epekto ng travel ban sa Taiwan partikular sa turismo.
Bukod dito, biglaan at minadali rin ang pagpapatupad ng travel ban sa Taiwan.
Sinabi pa ni Clemente na dapat sa Singapore ang travel ban dahil mas maraming kaso rito ng mga hinihinalang may coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Pumalag din sa travel ban sa Taiwan si Minority Leader Benny Abante at iginiit na sa Singapore dapat ang travel ban.
Paliwanag ng minority leader, aabot sa 40 ang kaso ng mga may COVID-19 sa Singapore habang 18 naman ang confirmed COVID-19 cases sa Taiwan. CONDE BATAC
Comments are closed.