INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng ban sa mga pasahero mula sa United Kingdom at sa 19 iba pang bansa na papasok sa Filipinas sa harap ng bagong strain ng COVID-19 na natuklasan sa naturang mga lugar.
Sa isang statement, sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque, Jr. na ang mga biyahero mula sa UK ay hindi papayagang pumasok sa Filipinas hanggang Enero 15, 2021. Ang ban ay unang itinakdang magtatapos sa Disyembre 31.
Bukod sa UK, ang ban ay ipatutupad din sa 19 iba pang bansa na kinabibilangan ng Denmark, Ireland, Japa, Australia, Israel, The Netherlands, Hong Kong, Switzerland, France, Germany, Iceland, Italy, Lebanon, Singapore, Sweden, South Korea, South Africa, Canada at Spain.
Ang mga pasahero na pabiyahe na at nakatakdang dumating bago ang Disyembre 30, 2020, 12:01AM, mula sa naturang 19 na mga bansa ay hindi babawalang pumasok sa bansa subalit kailangan silang sumailalim sa absolute facility-based 14-day quarantine period, sa kabila ng negative RT-PCR test result.
Bukod dito, ang mga Pinoy na magmumula sa nasabing mga bansa ay papayagan ding makapasok sa Filipinas ngunit isasailalim din sa absolute facility-based 14-day quarantine period, sa kabila ng negative RT-PCR test result.
“The Office of the President, upon the joint recommendation of the Department of Health (DOH) and the Department of Foreign Affairs, may impose restrictions to travelers coming from other countries that report the presence of the new variant of COVID-19,” sabi ni Roque.
Comments are closed.