PASOK na rin ang bansang Czech Republic sa listahan ng mga bansa na nasa travel restriction.
Ayon sa Immigration Commissioner Jaime Morente, magsisimula ang travel restriction ng alas-12:01 ng umaga ng Enero 28 hanggang sa katapusan ng buwan.
“We have received a directive expanding the travel restrictions to include aliens coming from the Czech Republic, or those who have been there within 14 days preceding arrival in the Philippines,” “This will take effect 0001H of January 28, until the end of the month,” ani Morente.
Dahil dito, umabot na sa 36 na bansa ang may travel restrictions.
Sa kasalukuyan, ang BI ay nagpapatupad ng travel ban sa mga banyaga na may travel history sa loob ng 14 na araw kabilang ang United Kingdom, Denmark, Ireland, Japan, Australia, Israel, The Netherlands, The People’s Republic of China, including Hong Kong Special Administrative Region, Switzerland, France, Germany, Iceland, Italy, Lebanon, Singapore, Sweden, South Korea, South Africa, Canada, Spain, and the United States.
Kabilang din sa may travel ban ang mga bansa na nagmumula sa Portugal, India, Finland, Norway, Jordan, Brazil, Austria, Pakistan, Jamaica, Luxembourg, at Oman.
Kamakailan lang ay ipinag-utos din ng Malakanyang ang pagbabawal sa United Arab Emirates at Hungary.
Sa datos, noong 2020, mayroon lamang 3,184 na mga Czechs ang pumasok sa bansa bago ipatupad ang travel restriction dahil sa COVID-19 at ang bagong variants. PAUL ROLDAN
Comments are closed.