TRAVEL BAN VS NETHERLANDS AT FAROE ISLANDS IPATUTUPAD

MAGPAPATUPAD  ng travel ban ang Pilipinas sa mga biyahero mula Faroe Islands at Netherlands dahil sa kaso ng COVID-19.

Inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque, kasama na sa ‘red list’ ang dalawang nabanggit na bansa.

Magsisimula ang travel ban sa Nobyembre 16 hanggang sa Nobyembre 30, 2021.

Tanging ang mga Filipino na pauwi lamang ng bansa sa pamamagitan ng government-initiated repatriation, non-government-initiated repatriation, at Bayanihan flights ang papayagang makapasok ng bansa subalit kailangan sumailalim sa testing at quarantine protocols.

Samantala, ang mga biyahero na fully vaccinated laban sa COVID-19 ay hindi na kailangang sumailalim sa facility-based quarantine pero kailangan ng negative RT-PCR results.

Kasama rito ang American Samoa, Bhutan, Chad, China (Mainland), Comoros, Cote d’Ivoire (Ivory Coast), Falkland Islands (Malvinas), Federated States of Micronesia, Guinea, Guinea-Bissau, Hong Kong (Special Administrative Region of China), India, Indonesia, Japan, Kosovo, Kuwait, Kyrgyzstan, Malawi, Mali, Marshall Islands, Montserrat, Morocco, Namibia, Niger, Northern Mariana Islands, Oman, Pakistan, Palau, Paraguay, Rwanda, Saint Barthelemy, Saint Pierre and Miquelon, Saudi Arabia, Senegal, Sierra Leone, Sint Eustatius, South Africa, Sudan, Taiwan, Togo, Uganda, United Arab Emirates, Zambia at Zimbabwe.

Ang mga bansang hindi nabanggit sa listahan ay nasa yellow list.