TRAVEL INCREASE SA 2025 ASAHAN-BI

INAASAHAN ng Bureau of Immigration (BI) ang travel increase sa mga bumibiyahe na maaaring lumampas sa 40,000 kada araw matapos ang pagdiriwang ng Bagong Taon.

Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang pang-araw-araw na bilang ng mga dumarating ay  lampas sa 40,000 ngayong Disyembre kung saan naitala ang pinakamataas na bilang na 51,000 sa isang araw.

“Post-Christmas, we have processed nearly 40,000 daily departures” pahayag ni Viado.

“We expect these fi­gures to climb further after the New Year, as overseas Filipino workers (OFWs) and former Filipinos who returned home for the holidays resume work and return to their residences abroad,”  dagdag nito.

Binanggit din ni Viado na naging maayos at epektibo ang operasyon ng BI sa panahon ng peak season ng holiday at walang naiulat na malalaking insidente o problema.

“We are optimistic that these smooth operations will continue through the New Year as the volume of travelers returning home abroad increases.”

RUBEN FUENTES