LAGUNA- PANIBAGONG direktiba ang ipinalabas ang pulisya hinggil sa bawal at hindi bawal na paglabas ng mga residente sa lalawigang ito na nasa alert level 2 alinsunod sa rulings ng IATF.
Base sa guidelines ay pinapayagan nang lumabas at magbiyahe ang mga edad 18 hanggang 65 gayun din ang mga nasa 17 pababa na ang dahilan ay pagkuha ng essential goods at services.
Pinapayagan na rin mag-total operation ang mga establisimiyento at aktibidad ng mga business enterprise sa 70 percent para sa mga fully vaccinated kasabay sa pag-apruba sa mga outdoor venue capacity para naman sa mga bakunado at hindi bakunado.
Pinahihintulutan na rin ng IATF na magbukas ang mga tourist attraction sa lalawigan tulad ng museums, parks, public gardens, at social events tulad ng wedding receptions, birthdays at family reunions.
Ikinatuwa naman ng mga salon at barber shop owners at iba pang kahalintulad na personal care services ang lumabas na direktiba dahil na rin sa pagkalugi ng mga ito sa halos 2 taon na pagkasara ng kanilang hanapbuhay. ARMAN CAMBE