TRAVEL RESTRICTIONS MAE-EXTEND

Presidential Spokesman Harry Roque

HINDI inaalis ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque ang posibilidad na palawigin pa ang ipinatutupad na travel restrictions na ipinatutupad sa ilang bansa dahil sa bagong variant ng COVID-19.

Ayon kay Roque, ngayong nakapasok na sa bansa ang new variant ng virus, malaki ang posibilidad na aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mungkahing i-extend o palawigin pa ang travel restrictions.

Giit ni Roque, hindi niya nais na pangunahan ang IATF ngunit sa development aniya ng new variant ngayon, walang dahilan upang hindi palawigin ang paghihigpit sa pagpasok sa Filipinas ng mga magmumula sa mga bansang nakitaan ng kaso ng bagong strain ng COVID-19.

Pero paliwanag ni Roque, maari namang manatili pa rin ang utos ni Pang. Duterte na hindi dapat pigilang makauwi ng Filipinas ang mga Filipinong magmumula sa ibayong dagat, basta’t mahigpit lamang na sundin ang mandatory 14-day quarantine period.

Comments are closed.