TRAVEL RESTRICTIONS SA 32 BANSA EXTENDED 

ATTY HARRY ROQUE

APRUBADO ng pamahalaan ang pagpapalawig sa travel restrictions mula sa 32 bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, sa halip na kahapon, Enero 15, nagwakas ang travel re-strictions, pinalawig pa ito hanggang sa  katapusan ng buwan.

Paliwanag ni Roque, ito ay bunsod ng ulat na  nakapasok na sa bansa ang new variant ng virus.

Sinabi ng Malacanang official na aprubado ng Intergency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang rekomendasyon ng Department of Health at ng Department of Foreign Affairs na extension ng travel ban hanggang Enero 31, 2021 kasunod ng kumpirmadong kaso ng bagong variant  ng coronavirus disease sa mga apektadong bansa.

“The President will be the one to declare that, if ever. List is for extension of restrictions and not for new,” dagdag pa ni Roque.

Magugunitang unang ipinagbawal pansamantala na makapasok sa bansa ang mga biyahero mula UK, Estados Unidos, Japan, Portugal, India, Germany, Iceland, Italy, Norway, Brazil, Denmark, Finland, Ireland, Australia, Israel, Switzerland, The Netherlands, Hong Kong, Lebanon,  Singapore, Sweden, South Korea, South Africa, Canada, Spain, Austria at ang huli ay ang China, Luxembourg, Oman, Pakistan at Jamaica. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.