TRAVEL RESTRICTIONS SA 32 BANSA PINALAWIG NG IATF

INAPRUBAHAN na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang pagpapalawig pa ng travel restrictions para sa mga dayuhan mula sa 32 mga bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tatagal pa ng hanggang ika-31 ng Enero ang umiiral nang ban sa mahigit 30 bansa upang maiwasan ang paglaganap pa ng bagong variant ng COVID-19.

Sakop ng naturang travel restriction ang mga biyahero mula sa mga sumusunod na bansa:

United Kingdom
Denmark
Ireland
Japan
Australia
Israel
The Netherlands
China (including Hong Kong)
Switzerland
France
Germany
Iceland
Italy
Lebanon
Singapore
Sweden
South Korea
South Africa
Canada
Spain
United States
Portugal
India
Finland
Norway
Jordan
Brazil
Austria
Pakistan
Jamaica
Luxembourg
Oman
Nakatakda sanang magtapos ang naturang ban ngayong araw ng Biyernes.

Comments are closed.