TRAVEL RESTRICTIONS SA PH NANANATILI-BI

Commissioner Jaime Morente-7

NANANATILI ang travel restriction sa bansa  habang nasa ilalim ng Covid-19 pandemic. Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente, bawal pa rin ang mga turista na magtungo sa alinman lugar sa bansa.

Ang pinapayagan ay  ang mga  foreign children with special needs of Filipinos, foreign parent of minor Filipinos, at foreign parent of Filipino children with special needs.

Nakasaad din sa kautusan na pinapayagang pumasok sa bansa ang mga foreign government and International Organization Officials at  dependents, foreign airlines crew members, foreign seafarers na may hawak na 9 (c) visas at dayuhan na mayroong long-term visas.

Ang mga papasok ng bansa ay kinakailangang kumuha ng entry visa mula sa Philippine embassies o kaya sa mga consulate bago umalis sa pinanggagalingang bansa.

Noong nakalipas na buwan ng Marso ay pansamantalang sinuspinde  ng  Department of Foreign Affairs ang visa-free privileges sa 157 mga bansa kasama ang visa waiver arrangements dahil ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, hindi pa handang buksan ang Filipinas para sa mga dayuhan, habang patuloy  na inaayos ng  Inter Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang ilang isyu at magtakda ng protocol bago ito payagan.

Ito ay makaraang maghain ng petisyon  ang Loveisnottourism movement, sa IATF na payagan ang kanilang mga asawang dayuhan, na mag-tungo sa bansa.

Samantala, sinabi ni Morente na pinapayagan ang mga foreign national, overseas Filipino workers, permanent visa holders, students enrolled abroad and participants sa exchange visitor programs, at ang mga bibiyahe na may mahalagang dahilan  ang papayagang makaalis ng bansa.

Nakapaloob din sa kautusan ng IATF, na  pinapayagang lumabas sa bansa ang mga Filipino na mayroon immediate business, medical emergency, ai ibang humanitarian reasons, ngunit kinakailangan ang  dokumento ng susuporta rito.

 Ang pagbisita sa mga kamag-anak sa abroad  ay hindi kinokonsidera na essential travel kung kayat ipinababawal pa ito, upang maprotektahan ang bawat isa sa COVID-19, ayon pa kay Morente. FROILAN MORALLOS

Comments are closed.