TRAVEL SAFETY TIPS SA MGA KABABAIHAN

travel

NAPAKAHILIG magliwaliw ng marami sa atin. Masarap nga naman ang makarating sa iba’t ibang lugar upang masilayan ang magagandang tanawing ipinagmamalaki nito. Sa pamamagitan din sa pagtungo sa iba’t ibang lugar ay nare-relax tayo. Kumbaga nakapagpapahinga at nakapaglalaan ng panahon sa ating mga sarili.

Pero bukod sa pagsasaya at pagnanais na magtungo sa iba’t ibang lugar, mahalaga ring isinasaalang-alang natin ang kaligtasan. Kaya naman, narito ang ilang travel safety tips na swak sa mga kababaihan:

IWASAN ANG PAGTA-TRAVEL SA GABI

Kung mag-isa lang at walang kasama, mainam kung pipiliin ang pagta-travel ng night travelmaaga at iiwasan ang pag-alis ng gabi. Mas magiging ligtas kasi ang marami sa atin, lalo na ang mga kababaihan kung maliwanag ang paligid.

Marami sa atin na pinipili ang pagta-travel ng gabi dahil bukod sa malamig ay pagsapit o pagdating ng umaga, nakarating na sa destinasyon o lugar na gustong puntahan.

Gayunpaman, delikado ang pagta-travel ng gabi lalo na kung mag-isa at walang kasama, tapos babae pa. Kaya naman, para maging safe, mas piliin ang pag-alis ng maaga o maliwanag kaysa sa gabi.

IWASAN ANG  PAGDADALA NG MALAKING BAGAHE

Sa pagbabakasyon o pagtungo sa iba’t ibang lugar, marami tayong gustong dalhin. large luggageKaya tuloy, hindi tayo magkandaugaga kung papaano natin pagkakasyahin ang gamit na nais nating dalhin.

Oo, marami tayong gustong dalhin at sa tingin natin, kakailanganin natin ang lahat ng mga iyon.

Gayunpaman, mag-pack o magdala lang ng tama at iwasan ang sobrang laking bagahe. Piliing mabuti ang mga dadalhin nang madala ang tama o swak. Pag-isipan ding mabuti ang bawat gamit na ilalagay sa maleta.

MAGSUOT NG KOMPORTABLENG DAMIT

Ikalawa sa dapat nating isaalang-alang kapag aalis tayo o magta-travel ay ang pagsusuot ng komportableng damit. Mas masarap nga naman gumalaw kung komportable ang suot ng isang traveler. Mas makagagalaw at magagawa mo nga naman ang mga nais mong gawin.

Bukod din sa pagiging komportable ng susuotin, mainam din kung simple lamang ito at hindi agaw-pansin.

Iwasan ang pagsusuot ng mamahalin o magagar­bong damit at accessory nang hindi makatawag ng pansin sa masasamang loob.

Ilan sa mga outfit na kailangang isaisip o dapat suotin kapag magta-travel ay ang pants o jeans, t-shirt at sneakers. Iwasan din ang pagdadala ng malalaking bag. Huwag ding maglalabas ng mamahaling gamit habang naglalakad-lakad.

IWASAN ANG PAG-INOM NG MARAMI

Kadalasan, nawiwili tayong uminom ng marami kapag nasa ibang lugar. Dala nga naman ng magandang lugar gayundin ang maganda at masayang pakiramdam, napaiinom tayo ng mga inuming nakalala­sing.

Oo nga’t sabihin na nating masaya tayo at gusto nating mag-enjoy. Pero hindi ibig sabihin nito ay magpapakalasing na tayo. Puwede pa rin naman kasi tayong mag-enjoy kahit na hindi tayo umiinom ng marami.

Hindi naman sa nag-iisip tayo ng masama, ngunit kung nasa ibang lugar at walang kasama, mainam ang pagiging responsable sa ating kaligtasan. Ibig sabihin, dapat ay uminom lang tayo ng tama. Maging mapagmatiyag din tayo sa paligid.

HUWAG SASAMA SA KAHIT NA SINO

Sa pagtungo sa isang lugar, isa rin sa gusto natin ay ang magkaroon ng bagong kakilala. May ilan pa nag na sa pupuntahang lugar maghahanap ng makakarelasyon.

Wala namang masamang maghanap ng makakarelasyon sa ibang lugar. Ngunit huwag na huwag ka ring basta-basta magtitiwala. Kilatisin muna ang mga taong kakaibiganin, pagkakatiwalaan at sasamahan.

Ibang-iba na ang mundo ngayon. Maraming tao ang napipilitang gumawa ng masama dala na rin ng iba’t ibang dahilan.

Kaya naman, huwag natin silang bigyan ng pagkakataong makagawa ng masama. Mag-ingat tayo. Tayo ang may responsibilidad sa ating sarili.

Masarap ang mara­ting ang iba’t ibang lugar. Masaya sa pakiramdam ang masilayan ang gandang itinatago ng bawat lugar. Pero mas magiging lubos ang ating kaligayahan kung magiging ligtas tayo sa pupuntahan nating lugar. CT SARIGUMBA

Comments are closed.