TRAVEL TAX DISCOUNT SA SENIORS, PWDs

SENIOR-PWDs

LUSOT na sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na nagkakaloob ng 20 percent travel tax discount sa senior citizens at persons with disabilities (PWDs).

Sa botong 178-0,  inaprubahan ng Kamara ang House Bill 8884, na nag-eexempt din sa mga indibidwal na kinakatawan ang bansa sa international competitions sa pagbabayad ng travel tax.

Pangunahing layunin ng panukala na magkaloob ng karagdagang benepisyo sa senior citizens at PWDs, gayundin ang mag-bigay ng insentibo sa mga estudyante, atleta, academic participants at pageant contestants na nagbibigay ng karangalan sa bansa.

Sa ilalim ng panukala, ang mga estudyante na kinakatawan ang kanilang eskuwelahan at ang bansa sa international sports tour-naments at academic competitions ay libre na sa pagbabayad ng travel tax.

Exempted din sa pagbabayad ng naturang buwis ang Philippine representatives sa academic conferences at competitions sa ibang bansa, international sports competitions, at international beauty pageants.

Nauna na ring inaprubahan ng Kamara sa hu­ling pagbasa ang House Bill 8885,  na nagkakaloob ng 20 percent student fare discount sa lahat ng uri ng transportasyon.

Comments are closed.