NAGBABALA ang Air Asia sa kanilang mga kliyente na maging maingat sa pag-book ng flight at hotels sa online, lalo na sa kuwestiyonableng online travel brokers upang maiwasang mabiktima ng scams.
Ito’y base sa tumataas na accounts mula sa travelers na nabiktima ng online scams sa loob ng mahabang panahon.
Ayon sa statistics ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group, umabot sa labing anim na beses ang naitalang anomalya na may kinalaman sa internet frauds.
Mayroong 842 na mga biktima noong nakaraang taon, habang 51 mga kaso noong 2021.
At ayon sa record, napunta sa mga kamay ng scammers ang halos kalahati sa kanilang perang pambili ng murang air fare at lodging.
Batay sa record ng PNP Cybercrime group ay umabot sa P13.2 milyon ang nawala sa mga pasahero na may kaugnayan sa travel-related internet frauds noong 2023.
Nadiskubre na mayroong dalawang klaseng internet scams, isa rito ay ninanakaw ng scammers ang personal information ng isang client upang maisagawa ang kanilang modus sa pamamagitan ng fake rebooking na dahilan kaya napipilitan ang mga biktima na i-deposit ang kanilang mga downpayment o kaya full payment para sa bogus discount modus ng mga ito.
Payo ng PNP-ACG na magtungo sa lehitimong website para makasiguro at ma-monitor at nang hindi maloko.
Ayon naman kay Rowena Rivera, Air Asia MOVE Head ng Travel Philippines, gamitin ang legitimate booking apps ng Air Asia Superapp, at iwasan ang hindi siguradong grupo na nag-aalok ng murang flights at hotel accommodation.
Suhestiyon nito ay hanapin ang Air Asia correct platform Air Asia Superapp, i-click o i-download ang icon para malaman ang latest offers and promotions ng kpmpanyang ito. FROI MORALLOS