Tuloy na tuloy ang paghihiwalay ng mag-asawang Trevor Magallanes at Rufa Mae Quinto at wala raw makapipigil sa kanilang diborsyo.
Ayon kay Trevor, “We are not back. I have no intention on having any other relationship with her than ex spouse.”
Kahit umano ang nag-iisa nilang anak na si Athena Alexandria Magallanes ay hindi makahahadlang sa kanilang divorce proceedings.
Paglilinaw ni Trevor, hindi sila nagkabalikan.
Wala raw siyang intensiyong gawin ito kundi maliban sa pagtrato kay Rufa Mae bilang dating asawa.
Ongoing na raw ang divorce process nina Trevor at Rufa Mae base sa noon pang December 13, 2024.
Nasa punto na raw na ang kanyang marriage kay Rufa Mae ay isa nang “sh*t show” at ang tanging nais lamang niya ay makawala rito at makapiling ang kanilang anak.
Buong post niya: “Hey guys, I felt like I need to explain myself based on social media and all that. I want to make myself clear that Rufa Mae and I are in the process of a divorce.
“You may be aware divorce can be very devastating to the children and also the parents. That being said my marriage has been a shit show and i am sorry for that.
“All that matters me at this time is getting through the divorce as best as I can and spending time with Athena. Happy holidays!”
Walong taon na silang nagsasama at inakala ng lahat na okay ang kanilang relasyon, hanggang sa masangkot ang pangalan ni Rufa Mae sa demandahang kaugnay ng Dermacare na sanhi upang magkaroon siya ng warrant of arrest.
Hindi malinaw kung ano ang sanhi ng kanilang paghihiwalay dahil walang may gustong magsalita tungkol dito.