TRI-BEAUTY PAGEANT INILUNSAD VS AIDS

Health Secretary Francisco Duque III

ISANG tri-beauty pageant ang inilunsad ng Department of Health (DOH) upang humanap ng mga HIV/AIDS advocacy ambassador, na hihikayat sa mga taong may sakit na HIV/AIDS na magpasuri at magpagamot ng kanilang karamdaman at upang tuluyan nang maalis ang nagpapatuloy na HIV-related stigma sa bansa.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, patuloy pa ring dumarami ang bilang ng mga Pinoy na dinadapuan ng HIV/AIDS infection dahil sa takot ng mga ito na magpatingin sa doktor dahil na HIV-related stigma.

“As we speak, HIV cases continue to rise and the worst part is, many of the cases are among individuals who are afraid to get themselves tested,” anang kalihim.

Sinabi ni Duque, na sa nakalipas na 10 taon, ang average number ng naitatala nilang HIV cases sa bansa ay tumaas ng mula isa hanggang sa 31 kada araw.

Ang Filipinas din  ang may pinakamala­king porsiyento ng pagtaas ng bagong HIV cases sa Asya at Pacific Region mula 2010 hanggang 2016, na pumalo sa 133 porsiyento.

Upang masugpo naman ang high incidence ng HIV ay inilunsad ng DOH ang naturang tri-beauty pageant na ‘LHIVE FREE,’ na na­ngangahulugang maaa­ring lumahok dito ma­ging lalaki man, babae at transgender woman, na may edad na 20 hanggang 26, may good communication skills at passionate sa layunin ng kampanya.

“The LHIVE FREE Redvocates is a search for exemplary individuals who are willing to be champions of this campaign,” paliwanag ng kalihim.

Ang pageant night ay nakatakdang idaos sa Setyembre 28, 2018, kung saan tatlo ang kokoronahang mananalo.

Ang mga winner sa patimpalak ay tutulong sa DOH upang baguhin ang mga maling impormas­yon at negatibong stigma hinggil sa HIV at AIDS, at mahikayat ang mga pasyente nito na magpagamot.

“They will help spread information about HIV and AIDS and promote safe sex with the goal of preventing new cases,” ani Duque. “We are starting by providing everyone with correct information about the virus. We want people to stop being afraid to get tested. There is hope, and there is a very big chance to live a normal life even if you are HIV positive. There are solutions that the government is making available for everyone.”

Kamakalawa lamang iniulat ng DOH-National Epidemiology Center (NEC), na nakapagtala sila ng 993 bagong HIV/AIDS cases noong Hunyo 2018.  ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.