HINDI dapat gamiting school service ang tricycle dahil ito ay mapanganib sa mga mag-aaral.
Ito ang pahayag kahapon ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Board Member Aileen Lizada kasabay ng panawagan sa Metro Manila Council sa pamamagitan ng Metropolitan Manila Development Authority upang huwag payagan ang mga tricycle na gamitin bilang shuttle.
Sinabi ni Lizada na hindi dapat payagan ng mga LGU ang mga tricycle bilang school bus.
Pormal na tatalakayin ni Lizada ang panukalang pag-ban sa tricycle sa pulong sa LTFRB sa Metro Manila Council sa Hunyo 22.
Sinimulan na ng LTFRB ang inspeksiyon sa buong bansa sa mga school bus services na dapat ay mayroong “front-facing” seats at hindi “side-facing” katulad ng tradisyonal na jeepneys.
Kailangan din na taglay ng unit ang V sign, na may dilaw na pintura at may mga nakakabit na fire extinguisher at seat belts.
Bukas na ang school bus franchise. Hindi ito sakop ng moratorium, pahayag ni Lizada.
Bukod sa LTFRB franchise, kailangang kumuha ng accreditation letter ang school bus operator mula sa paaralan o sa parents-teachers association.
Comments are closed.