TRICYCLE: BAWAL SA PAMBANSANG LANSANGAN

GOOD DAY MGA KAPASADA!

Lubos na ikinagalak ng mga miyembro ng Tricycle Operators and Driver Association (TODA) ang ginawang pamamagitan ni Senator Bong Go na mailahad ng naturang association ang kanilang mga suliranin sa kinauukulang opisyal ng ahensiya ng pamahalaan kaugnay sa Department of Interior and Local Government (DILG) Memorandum Circular N0. 2020-036 na nagbabawal sa mga tricycle na makapaglandas sa national highways ng bansa.

Sa naturang meeting na pinamagitanan ni Senator Christopher Laurence “Bong” Go, hiniling ni Ismael “Ace” Sevilla, pangulo ng National Capital Region (NCR) TODA Coalition sa mga kinauukulan na huwag hulihin ang mga tricycle driver samantalang ang mga local government units (LGUs) ay hindi pa nabibigyan ng pagpapatibay ang ordinansang nagpapahintulot sa tricycles na makapagbiyahe sa national highways habang wala pang alternate routes.

Bilang tugon, binigyang diin ni DILG Secretary Eduardo Ano na alinsunod sa DILG Memorandum Circular No. 2020-036, ito aniya ay mandatory para sa bawat LGU na lumikha o isapahanon ang kanilang tricycle route plan (TRP) sa loob ng 30 araw mula nang ipalabas ang nabanggit na Circular.

Ayon kay Ano, ang naturang TRP ang magsisilbing basehan para sa naturang ordinansa. Ang DILG MC No. 2020-036 ay ipinalabas noong Pebrero 17, 2020

Sinabi nito na kanyang ipagugunita sa city at municipal mayors ang naturang paglikha at pagbuhay (activation) ng isang task force upang mag-revise ng isang TRP sa kani-kanilang pook.

Inamin ni Ano na ang naturang pulong ay nagsilbing public consultation at ang pagdinig ukol dito ay lubhang mahalaga o kailangan upang makabuo ng TRP, at bibiyan ng payo ang mga Mayor na magtalaga ng temporary tricycle lanes na mayroong kompletong signages, color codes at law enforcers upang maiwasan ang aksidente sa pangunahing lansangan.

Bilang karagdagan, binanggit ni Ano na balak niyang pulungin ang mga Philippine National Police (PNP) officials at iba pang mga enforcers upang talakayin ang naturang paksa.

Samantala, sinabi ni Ano na ang permanent slolution ay ang permanent route ng tricycle na tatawaging tricycle lane. At dahil bawal sa national highway, ipapanukala sa national government na ang mga city na kaya naman ng kanilang pondo,  ay gagawa talaga ng road na parallel sa national highway.

Ayon pa kay Ano, “Ang (Department of Public Works and Highways ay mayroon namang allocated funds para sa proyektong ito at ang kailangan na lamang ay paraanin ito sa proseso kung papaano iaagapay ito sa Local Development Council at maging sa  Local Development Investment Program.

BAWAL ANG TRICYCLE AT PEDICABS SA NATIONAL HIGHWAYS

Ipinaliwanag naman ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na bawal talaga ang tricycles at pedicabs sa national highways maliban na lamang kung may ordinansa na walang alternative routes.

Binigyang diin nito na dapat magkaroon ng close coordination sa pagitan ng DILG Sec. Ano kaugnay sa panukalang polisiya upang makatiyak sa kaligtasan ng general public.

Binanggit naman ni Ariel Lim, pangulo ng National Confederation of Tricycle and Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (NACTODAP), na kailangan ang pagkakaroon ng Magna Carta for tricycle drivers and operator.

Layunin nito na ma-simplify ang sistema sa rehistrasyon, makapagtatag ng one stop shop para sa tricycle operators at magpatupad ng magkakatulad na mga pangangailangan (requirements)at resonableng fees na applicable sa lahat ng LGUs kaugnay sa kanilang kapangyarihan to regulate tricycles.

MOTORSIKLO HINDI JEEPNEY ANG HARI NG LANSANGAN

Noong 2010, lumitaw sa pananaliksik ng pitak na ito na ang motocycle at hindi ang jeepney gaya ng paniniwala nge nakararami ang itinuturing na hari ng Philippine roads.

Sa sino mang mga drayber na makapanayam ng pitak na ito, walang sino man sa mga kinapanayam ang nasabing jeepney ang nakararami na nagyayaot sa mga lansangan sa metropolis at maging sa ibang bahagi ng bansa.

Ayon sa isang traffic enforcer na ayaw ipabanggit ang pangalan sinabi nito na “motorcycle weave through traffic filtering or lane splitting, it is called –squeezing behind cars and buses (dubbed “cages by motorcycle riders) na ang layunin ay makauna sa stoplight at makaungos sa patutunguhan.

Lumitaw na mahigit sa kalahating milyon na nakarehistrong sasakyan sa Pilipinas noong 2009, humigit kumulang sa 3.2 milyon ang motorcycle, scooters, o tricycles, ayon sa Land Transportation Office (LTO).

Ang jeepney na nabibilang sa ilalim ng utility vehicvle (UV) category ay may talang bilang na 1.6 milyon lamang noon 2010, samantalang higit na maliit ang talang bilang sa mga kotse na umaabot lamang sa humigit kumulang sa 780,252 ayon sa talang bilang ng Land Transportation office.

HIGIT NA POPULAR ANG MC AYON SA GRSP

Ayon naman sa ulat ng Global Road Safety Partnership (GRSP) ang Motorsiklo ang pinaka popular na sasakyan sa rehihyon dahil sa murang halaga at ang kakayahan nitong makapaghatid ng rider from point A to point B sa matipid at mabilis na paglalakbay.

Bukod sa mabilis na paghahatid na serbisyo sa paroroonan ng sumasakay dito ay exempted pa rin ang mga ito sa number coding schemes na ipinatutupad ng Metro Manila Development Authority (MMDA) gayundin sa maraming mga lunsod sa Metropolis.

Sa maraming Asian countries, ang bilang ng motorsiklo ay kumakatawan sa halos 95 percent sa kabuuang behikulong ginagamit ayon sa GRSP.

Samantala, sa Filipinas, ayon sa GRSP, ang karamihan sa motorsiko at tricycles ay nakarehistro naman sa National Capital Region, Region IV (1V-A at IV-B combined), Region III, at Region VII ayon naman sa ulat ng NSCB.

ANG KONDISYON NG KALIGTASAN

Sa kabila ng katanyagan ng motorsiklo bilang hari ng lansangan, kamurahan ng gugol at mabilis na paglalakbay sa patutunguhan, kay kaakibat naman itong peligrong dulot sa buhay ng mga nanakayan

Ayon sa WHO Manila-based Regional Office for the Western Pacific, noong 2007 report nakapagtala na ang mga young motorbike riders ay may mataas na percentage of injuries at fatalities among road users sa rehiyon.

Ang karaniwang dahilan ng injuries at fatalities sa MC riders ay ang pagiging pasaway ng mga ito tulad ng hindi paggamit ng helmet, risk-taking behavior, at drunk-driving.

Ayon sa pag-aaral ng WHO, motorcycle riders ay maaaring makaiwas sa kamatayan sa halos 40 percent at the risk of severe injury by 72 percent kung gagamit lamang ang mga ito ng helmets sa panahon ng kanilang paglalakbay sakay ng motorsiklo.

Samantala, keeping riders alive, ang iba’t ibang national at local government agencies, lawmakers, civic groups na nagtataguyod ng road safety gayundin ang mga motorike riders’ association ay naglunsad ng iba’t ibang pagsisikap upang mabawasan ang aksidente na sangkot ang mga motorcycle riders.

Kabilang dito ang mga batas, ordinances, pag-aaral at road safety training programs na naglalayong mapapanatiling ligtas ang mga motorcycle riders sa aksidente.

LAGING TATANDAAN: Umiwas sa aksidente upang buhay ay bumuti.

HAPPY MOTORING!

Comments are closed.