TRICYCLES, PEDICABS BAWAL PA RIN SA NAT’L ROADS

TRICYCLE-PEDICAB

BINAWI ng Malacañang ang nauna nitong pahayag na pinapayagan na ang tricycles at pedicabs na bumiyahe sa national roads.

Ayon kay  presidential spokesperson Harry Roque, nananatiling bawal ang tricycles, pedicabs at motorized pedicabs sa national highways.

“Regarding the issue on tricycles/those similarly situated, Interior and Local Government Secretary Eduardo Año clarifies that although apprehension from the Highway Patrol Group is temporarily suspended, such are still prohibited from traversing the national highways,” ani Roque.

Ilang oras bago ito, sinabi ni Roque sa isang televised briefing na pinapayagan na ang sidecars sa national roads upang maibsan ang kakulangan sa transportasyon sa gitna ng umiiral na community quarantines upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Sinabi rin ni Roque na ipinagbabawal pa rin ang pagsakay sa likod ng motorcycle riders kahit asawa pa ng backride ang motorcycle rider.

“Ang mag-asawa po, kapag lumabas, makakahalubilo po sila ng ibang tao at baka makahawa kaya hindi pa rin po pinapayagan ang backride. Wala pong social distancing diyan [sa motorsiklo],”  aniya.

Comments are closed.