TRIGGER HAPPY SEKYU TIMBOG

security guard

MAYNILA – KALABOSO ang bagsak ng isang security guard dahil sa walang habas na pagpapaputok ng baril o indiscriminate firing sa Malate,  Linggo ng madaling araw.

Nakakulong ngayon ang suspek na si Zaldy Acopra, 27, binata, nakatira sa 2149 Int. 12, Fidel Reyes St., Malate, Manila at tubong Barangay Bacolod, Magallanes, Sorsogon.

Sasampahan ito ng kasong Alarm and Scandal (Indiscriminate Firing) at  paglabag sa  RA 10591 (Illegal Possession of Firearms in relation to Omnibus Election Code)

Ayon sa Manila Police District (MPD) -PS 9, dakong alas-12:40 ng madaling araw nang itinawag ni Chairman Arnel Palo ng  Barangay 714, Zone 78 District V, ang insidente sa Adriatico PCP.

Nabatid na palakad-lakad umano sa kahabaan ng Fidel Reyes St. ang suspek sa habang nagpapaputok ng kanyang  improvised na baril.

Agad namang nag­responde ang mga ope­ratiba ng Adriatico PCP sa pangunguna nina P/Cpl. Cyrus Alarcon at  P/Cpl. Christian Bacungan  at inaresto ang suspek.

Narekober din sa suspek ang  improvised hand gun na walang  serial number  at isang  (1) magazine na may tatlong  (3) 9mm luger live ammunitions.

Itinurn-over na sa MPD SOCO ang narekober na baril at bala para sa Ballistics examination. PAUL ROLDAN