ARESTADO ang isang tricycle driver na sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga matapos maaresto sa ikinasang buy bust operation ng mga pulis sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) head P/ Major Antonio Naag ang naarestong suspek na si Paul Romero Llacer alyas “KoyKoy”, 23, ng 748 Guido 1, Brgy. 33, Gagalangin, Tondo, Manila.
Sa imbestigasyon ni PCpl Jezell Delos Santos, dakong alas-12:30 ng hapon nang ikasa ng mga operatiba ng DDEU sa pangunguna ni P/ Major Naag ang buy-bust operation kontra kay Llacer sa Tamban St. Brgy. 20 matapos ang natanggap na ulat ng pulisya hinggil sa pagbebenta nito ng iligal na droga.
Nagawang makapagtransaksyon ni PCpl Aldrin Pascual sa suspek ng isang sachet ng shabu kapalit ng P500 marked money at nang magkabayaran na agad nitong sinunggaban si Llacer.
Narekober sa suspek ang buy bust money at isa pang plastic sachet ng hinihinalang shabu. VICK TANES
Comments are closed.