TRIKE DRIVER MINALAS, LOLANG PASAHERO KRITIKAL SA BUS

tricycle driver

CALOOCAN CITY – PATAY ang tricycle driver habang nasa kritikal naman na kondisyon ang lolang pasahero nito matapos salpukin ng humaharurot na pampasaherong bus ang kanilang sinasakyang tricycle sa lungsod na ito kahapon ng umaga.

Nakilala ang nasawi na si Dante Ignacio ng A. Bonifacio, Balintawak, Quezon City habang ginagamot sa Manila Central University (MCU) hospital sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang kanyang pasahero na si Flordelisa Bintad, 64, ng Bagbag, Novaliches na nagtamo rin ng mga sugat sa katawan na ngayon ay patuloy na inoobserbahan sa nasabing hospital.

Ipinag-utos na ni Caloocan police chief P/Col. Noel Flores ang manhunt operation kontra sa driver ng Raven Bus Transport (ACZ-4374) na nakilala lang sa Jonathan Boque na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-5:40 ng umaga, tinatahak ng tricycle ang kahabaan ng 10th Avenue patungong Rizal Avenue habang binabagtas naman ng bus ang kahabaan ng B. Serrano patungong EDSA.

Pagdating sa kanto ng B. Serrano at 10th Avenue, nasalpok ng bus ang kaliwang bahagi ng tricycle na naging dahilan upang maipit si Ignacio sa pagitan ng dalawang sasakyan.

Patong-patong na kasong reckless imprudence resulting in ho­micide, physical injury, damage to properties at paglabag sa Section 55 of R.A 4136 o ang duty of the driver in case of accident ang isinampa kontra kay Boque sa Caloocan City Prosecutor’s Office. VICK TANES

Comments are closed.