TRIKE PASSENGER MINALAS SA VEHICULAR ACCIDENT

aksidente

NUEVA VIZCAYA- DEAD on the spot ang isang pasahero ng tricycle at nasugatan ang anim na iba pa sa banggaan ng pampasaherong bus at tricycle sa Nag­cuartelan, Aritao.

Sinabi ni PMsgt. Dennis Estrada, imbestigador ng Aritao Police Station na ang nasawi sa aksidente ay kinilalang si Jen Gallardo Pantig, habang ang mga sugatan, kabilang ang da­lawang batang edad dalawa at tatlo na nasa kritikal na kondisyon, ay pawang residente ng Aritao.

Ang batang babae na edad dalawa ay anak ng nasawi at ang tatlong taong gulang na batang lalaki ay kanyang pa­mangkin.

Ilan pa sa mga nasugatan ay natukoy na sina Marie Liza Garcia, Marlyn Castillo Delia Balgos, at ang tricycle driver na si Rolando Abenojar.

Ang nagmamamenho naman ng Florida Bus ay si Guilbert Taguba Domingo, 59, residente ng Gattaran, Cagayan.

Inihayag ni Estrada na lumabas sa kanilang pagsisiyasat na habang tumatakbo ang tricycle ay mayroong nag-overtake na closed van.

Matapos mag-overtake ng closed van ay biglang nagpreno kaya umiwas ang sumusunod na tricycle at napunta sa kabilang linya ngunit eksaktong paparating ang bus sanhi para magkabanggaan.

Dahil sa lakas ng salpukan ay nahulog ang mga nakasakay sa likuran ng tricycle driver at naipit naman ang mga sakay sa loob na nagtamo ng malalang sugat sa katawan ang mga pasahero ng tricycle.

Dinala sa pagamutan ang mga biktima ngunit binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas si Pantig.

Kasalukuyan pa ang ginagawang pagsisiyasat ng Aritao Police Station sa nasabing aksidente. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.