TRIKER DOA, 4 PA SUGATAN SA ROAD TRAGEDY

aksidente

VALENZUELA CITY – DEAD on the spot ang isang tricycle driver habang apat pa ang sugatan kabilang ang tatlong pasahero ng biktima makaraang banggain ng isang closed van kahapon ng umaga sa Valenzuela City.

Batay sa report ng pulisya agad na binawian ng buhay sanhi ng ma­tinding pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Ric Lorenz Francisco, 22, ng No. 5 St., Andres St., Veinte Reales habang isinugod naman sa Valenzuela Medical Center ang kanyang mga pasaherong sina John Aeron Regusta, Nichole Ragusta, 19, at Maricris Salangad, 19, pawang mga nakatira sa 73 Rubber Master, Lingunan.

Dinala naman sa Valenzuela Emergency Hospital ang isa pang sugatan na si Rills Bulletic, 41-anyos, ng Gen. T. De Leon na driver ng isang motorsiklong nadamay sa banggaan

Sumuko naman sa pulisya ang driver ng van (NCG-9112) na si Jack Dempsey Lolo,  ng Catmon, Malabon City. EVELYN GARCIA

Comments are closed.