TRIKER TININGGA HABANG BUMIBIYAHE

pinagbabaril

QUEZON CITY – PATAY ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin sa Luzon Avenue, Brgy. Holy Spirit noong Linggo ng gabi.

Dead on the spot ang biktima na si Dondon Jacinto, na nagtamo ng tama ng bala sa kanyang ulo at agad niyang ikinamatay.

Ayon sa pulisya, isang residente ang nakarinig ng putok ng baril na una’y inakala nitong pumutok na gulong.

Batay sa mga nakasaksi, nakita na lamang umano nito na pagewang-gewang na ang minamanehong tricycle ng biktima.

Bumangga sa isang tindahan ang tricycle bago nahulog si Jacinto.

Iniimbestigahan ng pulisya ang motibo sa krimen at tinitingnan kung konektado ito sa umano’y pagdodroga at pagsusugal ng biktima. PMRT

Comments are closed.