IPINAARESTO na ng Davao City Regional Trial Court (RTC) si Senador Antonio Trillanes IV sa kasong libelo na inihain ni dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.
Inilabas ni Judge Melinda Alconcel-Dayanghirang ng Davao RTC Branch 54 ang arrest warrant laban kay Trillanes, na maaari pang makapag-piyansa ng P24,000 para sa panandaliang kalayaan.
Kinasuhan ng libelo si Trillanes dahil sa naging hayagang alegasyon nito sa presidential son kaugnay sa umano’y nakapuslit na bilyong halaga ng shabu at ang pangingikil sa Uber at iba pang ride-sharing firm.
Samantala, ibinasura ng Makati RTC Branch 150 ang apela ng DOJ na bawiin ang unang pagpayag ng korte na makabiyahe sa labas ng bansa si Trillanes dahil sa pagiging flight risk nito.
Nakapaghain na rin si Trillanes ng P200,000 travel bond sa Makati RTC Branch 150 para sa kasong rebelyon.
Comments are closed.